^
DOH: Aso, pusang may COVID-19 hindi makakahawa ng tao, 'ebidensya kulang'
Sa June 30, 2020 photo na ito, makikita ang Indonesian doctor na si Susana Somali kasama ang ilang aso sa isang rescue shelter sa Jakarta.
AFP/Adek Berry

DOH: Aso, pusang may COVID-19 hindi makakahawa ng tao, 'ebidensya kulang'

James Relativo (Philstar.com) - November 9, 2020 - 3:29pm

MANILA, Philippines — Naninindigan ang Department of Health (DOH) ngayong araw na wala pang matibay na pruwebang makapagpapakitang maaaring mailipat ng mga alagang hayop ang kanilang coronavirus disease (COVID-19) sa mga tao.

Ito ang tiniyak ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes, matapos lumabas ang balita ng bagong COVID-19 variant strain sa mga hayop gaya ng "mink," ayon sa World Health Organization (WHO).

Basahin: Scientists on guard over 'mutant' mink coronavirus

May kaugnayan: Paw-ly in the pandemic: pets can catch virus from owners

"Noong nag-uumpisa pa lang 'yung pandemic, lumabas itong mga issues and or articles na ito [from China and Singpaore] na infected daw 'yung dogs, infected din 'yung cats. And then of late nga, sa mga articles na 'yan, 'yung minks," ani Vergeire sa mga reporter.

"Ang unang-una nating kailangang tignan, 'yung evidence na inilabas ng US [Centers for Disease Control and Prevention] noon na sinasabi nila, na primarily talaga, 'yung SARS-COV-2 virus is transmitted from human to human."

Nababahala ngayon ang ilang sektor sa mga panibagong developments sa COVID-19 infections lalo na't marami sa mga alagang hayop ng mga Pilipino, gaya ng mga pusa at aso, at nahahayaan ng ilang gumala sa labas ng bahay — bagay na nag-e-expose sa kanila sa deadly virus.

Una nang sinabi ng US CDC nitong Agosto na "posible" maghawaan ng nakamamatay na COVID-19 ang tao at hayop, ngunit napakabihira raw nito:

"Some coronaviruses that infect animals can be spread to humans and then spread between people, but this is rare. This is what happened with the virus that caused the current outbreak of COVID-19, with the virus likely originating in bats... At this time, there is no evidence that animals play a significant role in spreading the virus that causes COVID-19... the risk of animals spreading COVID-19 to people is considered to be low."

Sa kabila nito, aminado ang CDC na lumalabas sa mga paunang oberbasyon na pwede itong mailipat ng tao sa mga hayop.

Basahin: Pet dog infected with COVID-19, Hong Kong authorities confirm

May kinalaman: Dog infected with COVID-19 in Netherlands

Dapat pa ring mag-ingat

Bagama't minamaliit pa ng DOH ang nasabing health concern, hindi naman nila ito iniisantabi bilang isang posibilidad.

"But of course, we are not discounting the possibility that maybe later on, baka nagmu-mutate at pwede na ring magkaroon ng [animal at human transmission]. Pero sa ngayon, wala pang sapat na ebidensya," wika ni Vergeire.

"Until we get enough evidence to support this claim, that's the time that we will be issuing our protocols."

Bilang pag-iingat na rin dito, inaabisuhan ng DOH ang publiko na sumunod sa minimum health standards upang maiwasan ang pagco-contract ng nasabing sakit.

Kasama na riyan ang palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face masks atbp.: "[A]nd of course our pets. They should always be clean para po hygienic din po tayo at nakakapag-prevent tayo ng iba't ibang impeksyon nggagaling sa ating animals or pets."

Umabot na sa 396,395 ang nagagawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling tala ng kagawaran nitong Linggo. Sa bilang na 'yan, 7,539 na ang namamatay.

CAT DEPARTMENT OF HEALTH DOG NOVEL CORONAVIRUS PET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with