^
Kumpirmado: 'Mañanita' celebrant Sinas bagong hepe ng PNP simula bukas
Litrato ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas (kaliwa) habang iniihipan ang kanyang birthday cake sa kontrobersyal na "mañanita" public gathering kahit nasa gitna ng COVID-19 lockdown
Released/NCRPO

Kumpirmado: 'Mañanita' celebrant Sinas bagong hepe ng PNP simula bukas

James Relativo (Philstar.com) - November 9, 2020 - 12:24pm

MANILA, Philippines (Updated 1:33 p.m.) — Pormal nang in-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersyal na hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Maj. Gen. Debold Sinas bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ang balita ay kinumpirma ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang press briefing, Lunes.

"Itinalaga po ni Presidente Rodrigo Roa Duterte si Debold Menorias Sinas bilang bagong [PNP] chief, effective po bukas, November 10, 2020," ani Roque sa mga reporter.

Ito ang kanyang ibinalita matapos lang sabihin ni Police Gen. Camilo Cascolan, kasalukuyang PNP chief, kanina na hindi pa tiyak kung si Sinas na nga ang papalit sa kanyang posisyon.

Matatandaang naging kontrobersyal na pigura si Sinas matapos magdaos ng kanyang birthday, na nilahukan nang pagkarami-raming tao sa kalagitnaan ng lockdown laban sa coronavirus disease (COVID-19).

May kugnayan: 'Mañanita' general to move up? PNP chief says no word yet from Palace

Basahin: 'Mahiya kayo': Pagdepensa ng PNP sa ECQ bday bash ng NCRPO chief kinastigo

Bagama't mahigpit na ipinagbabawal ang public gatherings lalo na noong enhanced community quarantine, matatandaang dinepensahan siya ni Duterte nitong Mayo, at tinawag pa ngang "good officer" ni Digong sa kabila nang matinding batikos. 

"He is a good officer, he’s an honest one, and hindi niya kasalanan kung may — may magharana sa kanya sa birthday niya," ani Duterte sa isang talumpati habang tinutukoy ang mañanita (hindi party) ng pulis.

Sa kabila ng kontrobersiya, sinabi ni Roque na pagbigyan si Sinas at tignan kung makakapag-inspire siya na sumunod sa quarantine restrictions ang mga tao, kahit na siya mismo ay lumabag.

"Let's give him a chance. He has six months to prove his worth, and let us see if he will inspire people [to follow health protocols]," sabi pa ng tagapagsalita ng presidente.

May kaugnayan: PNP exec apologizes but denies holding birthday party despite quarantine rules | Basahin: NCRPO chief faces criminal raps over birthday celebration, Palace says

Nabansagan din si Sinas bilang nanguna sa "Negros 14" killings noong 2019, bagay na ikinamatay ng maraming magsasakang ikinakabit sa mga rebeldeng komunista.

DEBOLD SINAS NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE PHILIPPINE NATIONAL POLICE RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with