Anomalya sa admin ni Noynoy bubuhayin

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling pinabubuhay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga anomalyang bumalot sa nakaraang mga administrasyon.

Kabilang sa tinukoy ng Pangulo ay ang proyektong palikuran sa Philippine National Railways (PNR) kung saan magkakatabi ang inidoro at walang dividers na pawang mga proyekto sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Noynoy Aquino.

Sa pre-recorded public address ng Pangulo, pinababalikan niya ang mga maanomalyang proyekto at kwestyunableng programa ng gobyerno.

Kabilang din sa binanggit ng Pangulo ang mga anomalya sa road right of way.

Dahil dito kaya binalaan ni Duterte ang mga opisyal na nasangkot sa mga nagdaang korapsyon na hahabulin pa rin sila ng administrasyon at iimbestigahan ito.

Nagbabala din ang Presidente na gugugulin niya ang nalalabi niyang dalawang taon sa pwesto sa paghahabol sa mga korap sa gobyerno at sa pagsasampa ng kaso laban sa kanila.

NOYNOY AQUINO RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with