^

High score ng Pilipinas sa 2020 Global Law and order report, ikinagalak ni Bong Go

(Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikinagalak ni Senator Christopher “Bong” Go ang positibong resulta ng kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga, kriminalidad at katiwalian matapos maitala ang Pilipinas sa Top 50 na bansang may kaayusan at kapayapaan.

Sa inilabas na 2020 Global Law and Order report ng Washington-based analytics and advisory firm Gallup, ang Pilipinas ay kabilang sa 50 bansang may magandang rekord ng peace and order sa iskor na 84/100.

May katulad na iskor ng Pilipinas ang Australia, New Zealand, Poland, at Serbia.

Ang ulat ng Gallup ay base sa personal na pakiramdam ng mga tao sa kanilang seguridad at karanasan sa  crime and law enforcement sa bansa.

Ayon sa news reports, ang mga sinurbey ay nagbigay ng positibong tugon sa law enforcement agencies sa Pilipinas. Nagbigay rin sila ng positibong feedback na ang ating law enforcement authorities ay ginagawa nang tama ang kanilang tungkulin.

Para kay Go, lalo itong nagpapalakas ng kumpiyansa ng Duterte administration na kulang na lamang ng dalawang taon pero patuloy na tinutupad ang pangakong bigyan ng komportableng buhay ang mga Filipino.

Sa kabila nito, ipinaalala ng senador sa pamahalaan na huwag maging kampante sa mataas na nakuhang ratings. Iginiit niya na lalo pang pag-ibayuhin ang kampanya kontra korapsyon, iligal na droga at kriminalidad.

Tiniyak ni Go sa police force na sila ni Pangulong Duterte ay patuloy silang poprotektahan kung gagawin nang maayos ang kanilang tungkulin at naaayon sa batas.

GLOBAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with