Solon nanawagan ng ayuda sa mga taga-Albay na sinalanta ni Rolly

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan si Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda ng tulong at ayuda para sa kanyang distrito na matindi at lubhang sinalanta ni Super Typhoon Rolly, kung saan malawakang kasiraan ang iniwan na tinatayang aabot sa P2.1 bilyon ang halaga.

Mga 20,494 pamilya na binubuo ng mga 66,328 katao ang ngayo’y kasalukuyang nakasilong sa mga ‘evacuation centers’ sa distrito, gaya ng mga sumusunod: Camalig, 6,648 pamilya o 22,296 katao;  Manito -- 1,647 pamilya, 6,866 katao; Rapu-rapu -- 2,052 pamilya,  7,714 katao; Legazpi City – 6,439 pamilya, 14,535 katao; Daraga -- 3,708 pamilya, 14,917 katao.

Ayon kay Salceda, mga 286 bahay ang buong niluray ni Rolly sa kanyang distrito, mga 450 ang matinding nagiba, at 768 ang bahagyang nasira. May populasyong 613,740 katao ang ikalawang distrito ng Albay na kinakatawan niya sa Kamara.

“Nagmamakaawa kami sa inyong kagandahang loob at pagka-maawain para matugunan ng aming mga kababayan ang kanilang payak na mga pangangaila-ngan,” pakiusap ni Salceda.

Para sa mga nais tumulong, mangyari lamang na makipag-ugnayan at tumawag sa mga sumusunod: Atty. Carol Sabio, 09172538813; Justin Jay Bolanos, 09175788215 / 0923729 3443; Zaldy Santillan, 09258524174.

ALBAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with