_ngayon
^

Bansa

Bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas '987 lang,' tinamaan lagpas 388,000 na

James Relativo - Philstar.com
Bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas '987 lang,' tinamaan lagpas 388,000 na
Itinutulak ng lalaking ito ang kanyang bisikleta habang hinuhukay ng excavator sa kanyang likod ang mga bato't volcanic ash galing sa Bulkang Mayon na nagkalat noong Super Typhoon Rolly, ika-1 ng Nobyembre, 2020
AFP/Charism Sayat

MANILA, Philippines — Maliit-liit ang mga panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, Miyerkules — hindi dahil sa paghupa ng pandemya, pero dahil sa epekto ng Super Typhoon Rolly.

Ito ang lumalabas matapos madagdagan lamang ng 987 sariwang kaso ngayong araw, mas mababa nang husto sa mahigit 1,000 hanggang 2,000 sa araw-araw.

Sumatutal, aabot na sa 388,137 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

"The relative low report in the new cases is part of the effects of the Typhoon "Rolly," ayon sa pinakabagong pahayag ng Department of Health (DOH).

"We further caution that this decrease may still be observed over the next few days, and may be followed by a relative 'increase' in newly reported cases in the coming days or week."

Patuloy pa nila, nasa 12 laboratoryo pa ang hindi nakapagsumite ng kani-kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) nitong Martes, kung kaya't marami pang hindi nareport na infections.

Karamihan sa mga panibagong biktima ng pandemya ay sinasabing nagmula sa mga sumusunod na lugar: 

  • Davao City (136)
  • Iloilo (67)
  • Quezon City (47)
  • Taguig City (43)
  • Iloilo City (41)

Sa kabila niyan, tanging 31,679 na lamang ang maituturing na "active cases" sa ngayon, o yaong mga patuloy pa ring dumaranas ng nasabing karamdaman.

Samantala, nsa 49 naman ang mga bagong talang namatay kaugnay ng kinatatakutang virus. Inaakyat niyan ang kabuuang local death toll sa 7,367.

Mas marami pa rin naman ang gumagalit dito sa ngayon sa bilang na 349,091. Mas marami 'yan ng 140 kumpara kahapon.

"11 duplicates were removed from the total case count. Of these, 10 were recovered cases," patuloy pa ng DOH.

"Moreover, 13 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths."

'Price cap' sa testing

Samantala, inutusan rin ni pangulong Rodrigo Duterte ang DOH at Department of Trade and Industry na magpataw ng hangganan sa kung magkano lamang ang pwedeng singilin sa mga isinasagawang COVID-19 tests sa bansa v na rin maging abot-kaya sa marami.

Ito ang kanyang inilatag sa kalalabas na lang Executive Order 118.

"The DOH and the DTI shall ensure that the price range for COVID-19 testing and test kits is just, equitable and sensitive to all stakeholders," ayon sa kautusan.

Una nang naiulat na umaabotminsan sa P12,000 ang sinisingil ng ilang pasilidad para sa naturang serbisyo.

Basahin: Duterte orders DTI, DOH to set price cap for COVID-19 testing

May kaugnayan: 'Price ceiling' sa COVID-19 swab testing inihapag ng DOH kay Duterte

Sa ngayon, halos nasa 48.84 milyon na ang nahahawaan ng kinatatakutang virus disease buong mundo. Sa bilang na 'yan, 1.2 milyon na ang patay, taya ng World Health organization (WHO).

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS ROLLY SUPER TYPHOON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with