^

Bansa

COVID-19 cases sa Pilipinas nadagdagan ng 1,772, lagpas 387,000 na

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 cases sa Pilipinas nadagdagan ng 1,772, lagpas 387,000 na
Naka-face mask kontra COVID-19 ang mga residenteng ito mula sa Lungsod ng Maynila habang lumilikas sa hagupit ng bagyong "Rolly" sa mga coastal communities, ika-1 ng Nobyembre, 2020
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin sa pag-angat ang bilang ng nahahawaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas sa ikatlong araw ng Nobyembre, halos walong buwan simula nang unang magbaba ng community quarantine.

Ayon sa Department of Health (DOH), Martes, sumampa na kasi sa 381,161 ang nagkakaroon ng kinatatakutang karamdaman, pagkaraang madagdagan pa ito ng 1,772.

Sa kabila niyan, 18 ang hindi nakapagsumite ng kani-kanilang resulta nitong Lunes, dahilan para hindi maisama ang iba pang datos sa talaan.

Karamihan sa mga bagong ulat na kaso ay sinasabing nagmula sa mga sumusunod na lugar:

  • Pampanga (154)
  • Quezon City (115)
  • Laguna (83)
  • Baguio City (70)
  • City of Manila (69)

Kaugnay nito, nasa 30,876 na lang ang tinatawag na "active cases" sa ngayon. Naabot 'yan matapos iawas sa equation ang mga gumaling at namatay na mula sa COVID-19.

Patay na sa ngayon ang nasa 7,318 pasyente kaugnay ng sakit. Mas marami 'yan ng 49 kumpara sa mga bilang na inilabas ng DOH isang araw na ang nakalilipas.

Nag-recover naman ng dagdag pang 153 katao nadali ng virus. Sumatutal, 348,967 na tuloy ang gumagaling sa nasabing karamdaman sa Pilipinas.

'Vaccine czar', napangalanan na

Kamakailan lang nang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si  National Task Force against COVID-19 chief implementer at Presidential Adviser on the Peace Process Presidential Adviser on the Peace Process bilang "COVID-19 vaccine czar" — kahit na pagiging militar ang kanyang background at hindi public health.

Ipinagtanggol naman ito kanina ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang briefing, at sinabing "well-deserved appointment" ito, lalo na't managerial skills daw ang kailangan dito.

"[T]he vaccine operations will entail logistics. Kinakailangan po may managerial skills at sanay sa mga ganitong management processes," sambit ni Roque.

"It's more of a logistics challenge than a medical challenge."

Suportado naman ng DOH ang pagkakatalaga ni Galvez sa posisyon, at labis naman daw inaabangan ang pakikipagtrabaho sa kanya para sa makakuha ng "ligtas at epektibong COVID-19 vaccine," bagay na kanilang titiyakin daw para sa lahat ng Pilipinas.

Pero dahil walang medical expertise si Galvez, pinayuhan siya ni dating special adviser to the ational Task Force against COVID-19 na si Dr. Anthony Leachon na magtayo siya ng sariling vaccine advisory committee kaugnay ng bagong posisyon.

"This is not a medical person. I would recommend that he would appoint or create a vaccine advisory committee with a chief operating officer that has an extensive knowledge in international and local distribution supply chain," sabi ni Leachon.

Umabot na sa 46.4 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa mundo simula nang magsimula ito sa Wuhan, China. Halos 1.2 milyon katao na ang namamatay sa sakit, ayon sa World Health Organization (WHO). — may mga ulat mula kay News5/Greg Gregorio

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with