^
ABS-CBN News, ANC YouTube channels isinara, iimbestigahan ng kumpanya
Kuha ng punong tanggapan ng ABS-CBN sa Lungsod ng Quezon, Mayo 2020
The STAR/Boy Santos, File

ABS-CBN News, ANC YouTube channels isinara, iimbestigahan ng kumpanya

James Relativo (Philstar.com) - November 3, 2020 - 10:53am

MANILA, Philippines — Matapos mawala sa free television dahil sa hindi pagre-renew ng kanilang prangkisa, sumunod namang nawala ang tinig Kapamilya network sa nilang YouTube channels, Martes nang umaga.

Ilan sa mga apektado ay ang ABS-CBN News at ANC 24/7 accounts, na abalang-abala pa lang mag-cover kaugnay ng Super Typhoon Rolly nitong weekend.

"We are aware of the problem of accessing ABS-CBN News channels on YouTube," saad ng kumpanya sa isang statement.

"We are currently investigating this and working closely with YouTube to resolve the problem."

Para sa mga may link ng dati nilang uploaded videos, lalabas ang mga sumusunod na salita oras na i-click ito sa ngayon: "Hindi na available ang video na ito dahil ang YouTube account na kaugnay sa video na ito ay itinigil na."

Lalabas naman ang "Error 404" oras na i-click sa search engines gaya ng Google ang mga nasabing accounts.

"In the meantime, you can catch our livestreams andnews reports on the TeleRadyo Channel. Thank you for your patience and understanding," pagtatapos ng kumpanya.

Online pa rin naman at mapapanuod sa Youtube ang ABS-CBN Entertainment, na nagla-livestream naman ng showbiz content ng network.

Atake sa press freedom?

Pakiramdam tuloy ng ilan, atake sa kalayaan sa pamamahayag ang nangyayari sa ngayon, lalo na't dati nang nakairingan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang istasyon dulot ng hindi pag-eere ng kanyang mga political ads noong tumatakbo pa lang sa pwesto noong 2016.

Dahil sa pagkawala nila sa ere, libu-libong manggagawa at empleyado ng kumpanya ang napilitang tanggalin sa trabaho. Sa ngayon, ipinalalabas sa free TV ang ilan nilang programa sa pamamagitan ng himpilang A2Z.

Lumipat naman ang marami sa kanilang talents sa mga katunggaling networks gaya ng TV5.

Inirereklamo pa lang ng ilan ang diumano'y "information gap" na iniwan ng network matapos itong isara ng gobyerno, lalo na't ito lang ang nasasagap na TV channel sa ilang lugar sa Pilipinas.

May kinalaman: Palace claims absence of ABS-CBN regional networks amid 'Rolly' onslaught left no vacuum

ABS-CBN YOUTUBE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with