^

Bansa

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas lumobo, lagpas 385,000 na

Philstar.com
Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas lumobo, lagpas 385,000 na
Chine-check ng city hall worker na ito ang temperatura ng ilang inilikas na residente sa Maynila dahil sa banta ng COVID-19 sa gitna ng pananalasa ng noo'y Super Typhoon Rolly, ika-1, ng Nobyembre
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Habang nasasadlak sa krisis ang marami sa Bikol, wala pa ring pahinga ang coronavirus disease (COVID-19) sa pagdapo nito sa mas maraming tao, Lunes.

Umabot na kasi sa 385,400 na ang tinatamaan ng naturang virus sa Pilipinas, ayon sa pinakasariwang datos na iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong ika-2 ng Nobyembre.

"[N]akapagtala ng 2,298 karagdagang kaso ng COVID-19 [ang DOH]. Samantala ay mayroon namang naitalang 87 na gumaling at 32 na pumanaw," wika ng kagawaran sa isang pahayag.

"Halos 92.1% ang mild at asymptomatic na kaso [ng COVID-19]."

Kung titipunin, 7,269 katao na ang pumapanaw sa sakit sa bansa. Sa kabila niyan, mas malaki naman na ang bilang ng gumagaling mula dito na nasa 348,830 na.

Mayorya ng mga newly reported cases ay galing sa: 

  • Benguet (188)
  • Davao City (166)
  • Rizal (119)
  • Quezon City (116)
  • Bulacan  (91)

Hindi naman lahat ng COVID-19 cases sa bansa ay tumatakbo pa rin ang karamdaman. Kung tatanggalin ang mga gumaling at namatay dito, 29,301 na lang ang aktibong infections.

Nasa 14 laboratoryo naman ang sinasabing hindi nakapagsumite ng kani-kanilang mga resulta sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) nitong Linggo, dahilan para hindi masama ang iba pang mga datos.

"11 duplicates were removed from the total case count. Of these, 4 recovered cases and a death have been removed," dagdag pa ng DOH.

"Moreover, 13 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths."

Sa huling taya ng World Health Organization (WHO), sumampa na sa 45,942,902 ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Mula sa bilang na 'yan, 1,192,644 na ang yumayao. — James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with