^

Bansa

Naka-quarantine sa mga tents inilikas na - DOH

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Naka-quarantine sa mga tents inilikas na - DOH
Sa Laging Handa public briefing, tiniyak ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bukod sa paglilikas ng mga naka-quarantine dahil sa COVID-19, naglunsad na rin sila ng massive information sa mga pasilidad at komunidad.
PCOO

MANILA, Philippines  — Upang matiyak na magiging ligtas sa Bagyong Rolly, inilipat na sa mas matibay na lugar ang mga naka-quarantine sa mga tents, ayon sa Department of Health.

Sa Laging Handa public briefing, tiniyak ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bukod sa paglilikas ng mga naka-quarantine dahil sa COVID-19, naglunsad na rin sila ng massive information sa mga pasilidad at komunidad.

Tinanggal na rin ang mga kagamitan sa mga pasilidad at inilipat sa mga ospital.

Idinagdag ni Vergerie na inatasan na rin ang mga local government units na maghanda ng mga evacuation sites kung saan masusunod ang mga ipinatutupad na protocols tungkol sa minimum public health standards upang matiyak na hindi tataas ang bilang ng mga COVID-19.

Inaasahan na rin aniya ang posibilidad na magsiksikan sa mga pasilidad kaya pinatitiyak sa mga LGUs na sapat ang mga lugar na pagdadalhan ng mga maaapektuhan ni Rolly.

Ipinaalala ni Vergerie na dapat nakasuot pa rin ng face face ang mga dadalhin sa pasilidad at dapat may mga handwashing stations, alcohol at mga safety officer na magpapatupad ng kaayusan.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with