^

Bansa

Duterte naka-monitor sa Bagyong Rolly

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte naka-monitor sa Bagyong Rolly
“Patuloy naman po ang monitoring namin ni Pangulong Duterte sa status ng bagyong ito. Sinisigurado ng Pangulo na laging handa ang mga ahensiya ng gobyerno na magbigay ng immediate assistance sa mga lugar na maapektuhan po ng bagyo,” ani Senator Bong Go.
Presidential Photo/Richard Madelo

MANILA, Philippines — Personal na tinututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang updates ng Bagyong Rolly na sinasabing pinakamalakas na bagyong papasok sa bansa ngayong taon.

Sinabi kahapon ni Sen. Christopher “Bong” Go na bukod sa kanilang pagmo-monitor sa bagyo, tiniyak na rin ni Duterte na mabibigyan kaagad ng tulong ang mga maapektuhang lugar.

“Patuloy naman po ang monitoring namin ni Pangulong Duterte sa status ng bagyong ito. Sinisigurado ng Pangulo na laging handa ang mga ahensiya ng gobyerno na magbigay ng immediate assistance sa mga lugar na maapektuhan po ng bagyo,” ani Go.

Partikular na pinag-iingat ang mga residente sa Bicol, CALABARZON, MIMAROPA at Central Luzon.

Ayon pa kay Go, mahalaga sa Pangulo na maibalik kaagad sa normal ang sitwasyon.

Importante rin aniya na maibalik kaagad ang kuryente na trabaho ng Department of Energy at agarang pagsasagawa ng search and rescue operations bukod pa sa pamamahagi ng mga relief goods.

Sinabi rin ni Go na naka-red alert na rin ang Armed Forces of the Philippines at naka-evacute na sa ligtas na lugar ang mga military assets katulad ng barko at eroplano.

vuukle comment

ROLLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with