^

Bansa

COVID-19 necklace air purifiers ‘di iniendorso ng DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 necklace air purifiers �di iniendorso ng DOH
Ayon sa DOH, bagamat hindi naman nakakasama sa kalusugan ang necklace air purifiers, hindi rin umano nila iniendorso o hinihikayat ang paggamit ng mga ito.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines  — Mariing nilinaw kahapon ng Department of Health (DOH) na hindi nila inirerekomenda ang paggamit ng necklace air purifiers bilang proteksyon laban sa COVID-19.

Kaugnay ito sa lumabas na ulat na okey o aprubado ng DOH ang paggamit ng mga necklace air purifiers.

Ayon sa DOH, bagamat hindi naman nakakasama sa kalusugan ang necklace air purifiers, hindi rin umano nila iniendorso o hinihikayat ang paggamit ng mga ito.

Paliwanag ng DOH, hindi pa naman napapatunayan ang bisa ng mga naturang produkto laban sa virus o bacteria.

Binigyang-diin pa ng DOH na hindi rin maa­ring gamitin pamalit ang necklace air purifiers sa mga health protocols na ipinaiiral ng pamahalaan.

Pinakamabisa pa rin anilang paraan nang pag-iwas sa virus ang pagsusuot ng face shield at mask, regular na pag­huhugas ng kamay at physical distancing.

Kasabay nito, pinayuhan din naman ng DOH ang publiko na sumunod sa mga bilin at abiso lang ng kagawaran, gayundin ng World Health Organization (WHO) at health institutions para sa mga tamang impormasyon.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with