P13 bilyong ayuda sa nawalan ng trabaho sa pandemic, ibibigay na
Ayon kay Labor Undersecretary Joji Aragon, magsisimula ang pamamahagi ng cash assistance sa unang linggo ng Nob­yembre.
Edd Gumban/File
P13 bilyong ayuda sa nawalan ng trabaho sa pandemic, ibibigay na
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Aabot sa P13 bilyon na nakapaloob sa Ba­yanihan to Recover as One Act o Bayanihan II ang ipamamahagi ng gobyerno sa mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Labor Undersecretary Joji Aragon, magsisimula ang pamamahagi ng cash assistance sa unang linggo ng Nob­yembre.

“So mayroon po ta­yong nakalaan na ganoong kalaking pera para sa pagpapatupad ng cash assistance sa mga displaced workers dulot ng pandemya at….mag-uumpisa na ang pamamahagi ng cash assistance nga­yong first week of November,” ani Aragon sa Laging Handa online press briefing.

Ang pondo ay ibi­nigay ng Department of Budget and Mana­gement sa mga regional offices sa 16 na rehiyon.

Nasa 993,432 mang­gagawa ang maghahati-hati sa P5 bilyon sa ila­lim ng COVID Adjustment Measures Program.

Sa ilalim naman ng TUPAD emergency employment, P6 bil­yon ang inilaan para sa 863,867 workers na nasa informal sector. Kabilang sa mga ito ang mga naapektuhan sa mga karinderya, mga nagtutulak ng mga kariton at mga nagtitinda ng taho.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with