Senate probe sa âred taggingâ sa celebrities itinakda sa Nobyembre 3
Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, chairman ng komite na ang pagdinig ay gaganapin sa Nob­yembre 3 matapos ang inihain niyang Senate Resolution No. 559.
The STAR/Mong Pintolo
Senate probe sa ‘red tagging’ sa celebrities itinakda sa Nobyembre 3
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinakda na sa susunod na linggo ng Senate Committee on national defense ang pagdinig sa umano’y red-tagging ng militar sa mga artista at ilang organisasyon.

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, chairman ng komite na ang pagdinig ay gaganapin sa Nob­yembre 3 matapos ang inihain niyang Senate Resolution No. 559.

Sa ilalim ng resolusyon, pinaiimbestigahan nito ang umano’y red-tagging activities ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Niinaw naman ni Lacson na bago siya naghain ng resolusyon ay humingi muna siya ng opinyon kay Senate President Vicente Sotto III at sinabi na may kapangyarihan ang Senado na ipatupad ang kanilang oversight function.

Kabilang naman sa ipapatawag sa pagdinig sina AFP Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. at liderato ng militar., Gabriela at iba pa mga militanteng grupo.

Umani ng batikos si Parlade matapos na bantaan ang aktres na si Liza Soberano dahil sa pagsuporta sa Gabriela Women’s partylist na umano’y teroristang grupo gayundin ang aktres na si Angel Locsin.

AFP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with