Walang shortage ng flu vaccine sa Pinas – FDA
Sinabi ito ni Food and Drug Administration (FDA) Director-General Eric Domingo matapos humingi ng tulong si Quezon Governor Danilo Suarez sa Department of Health (DOH) at iba pang concerned agencies para makabili ng flu vaccines.
Mohammed Huwais/AFP
Walang shortage ng flu vaccine sa Pinas – FDA
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - October 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang kakulangan ng flu vaccine sa bansa, ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director-General Eric Domingo.

Sinabi ito ni Domingo matapos humingi ng tulong si Quezon Governor Danilo Suarez sa Department of Health (DOH) at iba pang concerned agencies para makabili ng flu vaccines.

Ayon kay Suarez, may pondo ang provincial government na pambayad ng flu vaccines ngunit nahihirapan silang makabili nito.

Sa isang online forum nitong Biyernes sa Department of Health (DOH), sinabi naman ni Domingo na nag-check sila sa mga supplier ng flu vaccine at hindi naman umano nagdeklara ang mga ito ng shortage ng suplay ng mga naturang bakuna.

Aniya pa, maaaring tulungan ng regional office ng DOH ang Quezon provincial government sa pagbili ng flu vaccines.

Samantala, kinumpirma rin naman ni Domingo na tumaas ang demand ng flu vaccines kasunod nang pananalasa ng pandemya ng COVID-19.

“Talagang nag-increase ‘yung demand dahil nga to protect everybody from the seasonal flu and pneumonia. Para hindi na natin ma-confuse with COVID-19, we wanted to get vaccinations,” aniya pa.

Hindi naman naniniwala si Domingo na ang pagtutok ng mga pharmaceutical firms sa pagbuo ng bakuna laban sa COVID-19 ay nakakaapekto sa suplay ng flu vaccines.

FDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with