DFA binigyan ng 15 araw sa kaso ni Mauro
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines— May 15-araw lamang ang Department of Foreign Affairs (DFA) para magsumite  ng resulta sa Malakanyang ng kanilang imbestigasyon kaugnay sa pananakit ng ambassador sa Brazil sa kanyang kasambahay.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., natanggap na niya ang Presidential Directive na nag-aatas para imbestigahan ang umano’y pang-aabuso ni ambassador Mari­chu Mauro sa kanyang 51-anyos na Pinay helper.

Paliwanag naman ni Locsin na dahil sa loob ng 15-araw lang ang palugit para makapagsumite sila ng report sa Presidential Management Staff (PMS) kaya nagbuo agad siya ng fact finding team para mag-imbestiga sa insidente.

Ang nasabing team ay pinamumunuan umano nina Consul Ge­neral Ezzedin H. Tago, (Sydney PCG); Jaime B. Ledda CM1; Narciso T. Castañeda BAC, at Atty. Ihna Alyssa Marie Santos.

Habang nagpapatuloy na rin umano ang administrative procee­ding para kay Mauro.

Isusumite naman kay Locsin ang report sa Preliminary Investigation ng Human Resource Management Office ng DFA.

DFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with