COVID-19 cases sa Pilipinas nadagdagan ng 2,006, halos 379,000 na
Naka-face mask kontra COVID-19 habang nakasakay ng tricycle ang mga residenteng ito pabalik ng kanilang bahay matapos tumama ng bagyong "Quinta" sa Pola, Oriental Mindoro, ika-26 ng Oktubre
AFP/Erik de Castro
COVID-19 cases sa Pilipinas nadagdagan ng 2,006, halos 379,000 na
James Relativo (Philstar.com) - October 30, 2020 - 4:13pm

MANILA, Philippines — Tuloy-tuloy pa rin ang pagdami ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Pilipinas habang nalalapit ang pagtatapos ng ika-34 na linggo ng quarantine sa bansa kontra-pandemya.

Ito ang lumalabas matapos pumalo ang mga domestic cases nito sa 378,933, ayon sa bagong ulat na datos ng Department of Health, Biyernes.

"[N]akapagtala ng 2,006 na karagdagang kaso ng COVID-19 [ang DOH]. Samantala, mayroon namang 636 na gumaling at 38 na namatay," wika ng pamahalaan sa isang pahayag.

Kung pagsasama-samahin, 7,185 tao na ang binabawian ng buhay mula sa naturang karamdaman. Sa kabila niyan, mas marami naman na ang nag-recover sa ngayon sa bilang na 330,457.

Mayorya ng mga newly reported cases ay galing sa: 

  • Batangas (124)
  • Cavite (121)
  • Quezon City (105)
  • Rizal (89)
  • Bulacan (81)

Hindi naman lahat ng COVID-19 cases sa bansa ay tumatakbo pa rin ang karamdaman hanggang sa kasalukuyan. Kung tatanggalin ang mga gumaling na at namatay dito, 41,291 na lang ang aktibong infections.

Nasa 13 laboratoryo naman ang sinasabing hindi nakapagsumite ng kani-kanilang mga resulta sa COVID-19 Data Repository System nitong Huwebes, dahilan para hindi masama ang iba pang mga datos.

"[Eight] duplicates were removed from the total case count. Of these, 4 were recovered cases," dagdag pa ng DOH.

"Moreover, 23 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths."

Samantala, sinagot naman ng kagawaran ang lumabas na balitang wala pang 30% ang mga Pilipinong naniniwalang makatotohanan ang mga inilalabas na case tally ng DOH pagdating sa COVID-19.

Basahin: SWS: 23% ng Pinoy naniniwalang 'realistic' ang gov't COVID-19 case reports

Ayon kay Beverly Ho, Director IV ng Health Promotion and Communication Service ng DOH, tanging pagkokonsolida lamang ng datos ang kanilang ginagawa, na nanggagaling mula sa iba't ibang sources.

"The data we present comes from the various disease reporting units, and the disease reporting units would include the laboratories, the hospitals, the health facilities who all submit the individual data to the DOH central office," wika ni Ho.

"Our COVID-19 Surveillance and Quick Action Unit cleans, removes the duplication, validates the data that has been submitted. And we do this in a 24 hour cycle."

Aniya, lalo pa nilang pinahuhusay ang kanilang data collection at validation process, bagay na lalong nagpabilis sa paglalabas ng tamang impormasyon at datos.

Sa ngayon, halos nasa 44.351,506 na ang nahahawaan ng kinatatakutang virus disease buong mundo. Sa bilang na 'yan, halos 1.2 milyon na ang patay, taya ng World Health Organization.

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with