No exemption sa corruption probe â Palasyo
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naghahanap lamang ng ebidensiya ang Pangulo at kahit pa pinupuri niya ang isang opisyal ay hindi nangangahulugan na hindi ito iimbestigahan kung may ebidensiya.
Presidential Photo/Toto Lozano
No exemption sa corruption probe – Palasyo
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

Kahit kaalyado ni Duterte ‘di ligtas

MANILA, Philippines  — Tiniyak kahapon ng Malacañang na hindi exempted sa im­bestigasyon ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na inaakusahan ng katiwalian.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naghahanap lamang ng ebidensiya ang Pangulo at kahit pa pinupuri niya ang isang opisyal ay hindi nangangahulugan na hindi ito iimbestigahan kung may ebidensiya.

Ginawa ni Roque ang pagtitiyak matapos punahin ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang mistulang pagtatanggol ng Pangulo kina Health Secretary Francisco Duque III at Public Works Secretary Mark Villar.

Tiniyak ni Roque na ang papuri ng Pangulo sa dalawang opisyal ay hindi nangangahulugan na hindi na sila maaa­ring imbestigahan.

Ipinunto pa ni Roque na bilang dating pro­secutor, malawak ang karanasan ng Pangulo pagdating sa mga kaso tungkol sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Inihalimbawa pa ni Roque ang kaso ni da­ting Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) chief Ricardo Morales na hindi hinadlangan ng Pangulo ang isinagawang imbestigasyon.

“Bagama’t buo ang tiwala ni Presidente kay Gen. Morales nung nagkaroon naman po ng ebidensya ang task force sa PhilHealth at ibang sangay ng gobyerno hindi naman po naging hadlang ang Presidente para imbestigahan at litisin si Gen. Morales,” ani Roque.

Sinuportahan din ni Roque ang desisyon ni Justice Secretary Menardo Guevarra, na namumuno sa binuong mega task force na simulan na ang  imbes­tigasyon sa Customs, BIR, Land Registration Authority at DPWH.

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with