Duterte pinaiimbestigahan ang Philippines envoy na nanakit ng kasambahay
Sinabi naman ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., na kukuha sila ng “best guy” at magaling sa ganitong larangan para imbestigahan ang nasabing insidente.
STAR/ File
Duterte pinaiimbestigahan ang Philippines envoy na nanakit ng kasambahay
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nagbigay na ng go signal si Pangulong Duterte sa Department of Foreign Affairs (DFA) para imbestigahan ang ambassador sa Brazil na nagmaltrato sa kanyang Pinay na ka­sambahay.

Sinabi ni Sen. Bong Go, nakarating na sa Pa­ngulo ang sumbong at dahil sa bigat ng alegasyon kay Ambassador to Brazil Marichu Mauro kaya nagbigay na ng go signal si Duterte para imbestigahan ito base na rin sa rekomendasyon ng DFA.

Ayon kay Go, laging naninindigan ang Pa­ngulo para sa proteksyon at promosyon ng karapatang pantao at kapakanan ng bawat Filipino sa ibang bansa na responsibilidad din ng gobyerno.

Ang gagawing im­bestigasyon ay alinsunod sa Foreign Service Act of 1991 kung saan nakasaad na “The chief of mission who are commissioned by the President as ambassadors extraordinary and plenipotentiary shall not be investigated  by the Board or separated from the service unless there is an express written directive from the President”.

Sinabi naman ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., na kukuha sila ng “best guy” at magaling sa ganitong larangan para imbestigahan ang nasabing insidente.

 

Related video:

 

DFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with