DPWH exec ânagpaagawâ ng P2 milyong cash sa party, kinasuhan sa Ombudsman
Sa kanyang complaint affidavit ni Konsehal Arkie Manuel Yulde ng bayan ng Lopez, Quezon na mistula umanong ginawang confetti ni Director Tan ang mahigit P2 milyong cash na pinaghahagis at ipina­migay sa mga dumalo sa kanyang kaarawan noong December 2019.
STAR/ File
DPWH exec ‘nagpaagaw’ ng P2 milyong cash sa party, kinasuhan sa Ombudsman
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Sinampahan sa Office of the Ombudsman ng patung-patong na kasong kriminal at administratibo si DPWH Region 1 director Ronnel Tan dahil umano sa pamumudmod ng P2 milyong cash sa kanyang birthday party na ginanap sa lalawigan ng Quezon.

Sa kanyang complaint affidavit ni Konsehal Arkie Manuel Yulde ng bayan ng Lopez, Quezon na mistula umanong ginawang confetti ni Director Tan ang mahigit P2 milyong  cash na pinaghahagis at ipina­migay sa mga dumalo sa kanyang kaarawan noong December 2019.

Ayon kay Yulde, kabilang sa mga nakasaksing bisita sa magarbong birthday party ni Tan ang mga Alkalde ng Quezon province kabilang na si Gumaca Mayor Webster Lerargo, Alabat Mayor Ferdinand Mesa at  iba pang opisyales ng lalawigan at barangay officials.

Nakasaad sa reklamo ni Yulde na regalo umano ni Tan sa mga opisyales na dumalo sa kanyang party ang cash na pinamudmod nito.

Nataon ang reklamo laban kay Tan, kasunod ng direktiba ni Pangulong  Rodrigo Duterte na im­bestigahan ang mga opis­yales ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan partikular na ang DPWH na umano’y talamak ang kurapsyon.

Hiniling din ni Yulde kay Pangulong Duterte na sibakin na sa pwesto sa DPWH si Tan at isailalim sa lifestyle check.

Si Tan na in-appoint sa DPWH ni dating Pa­ngulong Noynoy Aquino ay asawa ni Quezon Rep. Helen Tan.

DPWH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with