Duterte, Cayetano walang hidwaan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines— Walang hidwaan na namagitan kina Pangulong Rodrigo Duterte at dating House Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano taliwas sa espekulasyon ng mga kritiko.

Ayon kay UP Political Analyst Ranjit Rye, palabasin man ng iba na mayroong misunderstanding sa pagitan ng dalawa ay malinaw sa naging pagbati ni Pangulong Duterte na matibay at malalim ang pundasyon ng kanilang pagkakaibigan kaysa sa isyung nangyari kamakailan sa Kamara.

“Alan Peter Cayetano, today is a very special day and I would like to share the glorious moment of another milestone in your life. You have achieved so much and you need not really feel bad about everything that transpired during the last few days. You did your best and next time given a chance I feel that you will succeed and do better. This day I just wan’t to say Mabuhay Ka, Happy Birthday!” ang pagbati ni Pangulong Duterte sa halos 2 minutong taped video para sa ika-50 kaa­rawan ni Cayetano.

“Other people may not see it but the President clearly knows and recognizes the important contribution of Speaker Cayetano, when you look back at the past 2 years, you will see that Cayetano has been in the forefront of it all,” paliwanag ni Rye.

Si Cayetano ang principal sponsor ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2 na stimulus package ng Duterte Administration para tugunan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Nang maitalaga bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Cayetano sa ilalim din ng Duterte Administration ay naipatupad ang 10 year validity ng passport, nagkaroon ng passport on wheels upang maging mabilis ang pagkuha ng passport at naipatupad ang online payment system na tumapos sa mga problema sa pagkuha ng passport appointments.

Ayon sa Pulse Asia, nang pamunuan ni Caye­tano ang House of Representatives, nakuha nito ang historical performance approval na 80% at 76% trust rating. Ang Kamara naman ay nakakuha ng mataas na 66% performance rating.

KAMARA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with