Duterte bumisita na sa puntod ng magulang
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagawang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng mga magulang sa Davao ilang oras bago magsara ang mga sementeryo at mga kolumbaryo sa bansa kahapon.

Ang pagbisita ni Duterte ay kinumpirma ni Sen. Christopher “Bong” Go na nagpadala pa ng mga larawan sa media.

Ayon kay Go, dakong alas-6 ng gabi noong Miyerkules bumisita sa puntod ng kanyang mga magulang ang Pangulo.

Sa mga ipinadalang larawan ni Go, kapwa sila nakasuot ng face mask ng Pangulo.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na umaasa siyang magiging mapayapa ang paggunita ng Undas. Mananati­ling sarado ang mga sementeryo at kolumbaryo sa bansa hanggang Nobyembre 4 base sa kautusan ng IATF upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with