Tropical storm na tatawaging 'Rolly' nasa silangan ng Gitnang Luzon
Bandang 4 a.m. nang mamataan ang mata nito 1,705 kilometro silangan ng Gitnang Luzon at may lakas na hanging aabot ng 65 kilometro malapit sa gitna.
earth.nullschool.net
Tropical storm na tatawaging 'Rolly' nasa silangan ng Gitnang Luzon
James Relativo (Philstar.com) - October 29, 2020 - 10:19am

MANILA, Philippines — Nagbabadyang pumasok sa erya malapit sa kalupaan ng Pilipinas ang panibagong bagyo ngayong araw matapos ang serye ng sandamakmak ng bagyo ngayong mga nagdaang linggo — at lumakas pa ito.

Mula sa pagiging isang tropical depression kahapon, isa na kasi itong ganap na tropical storm bago pa man pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

"Papasok ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) this morning o mamaya pong hapon," wika ni Ezra Bulquerin, weather specialist ng PAGASA.

"Magmo-move po siya westward towards Bicol Region on Sunday, and then magta-traverse over land, and then exit po dito po sa area ng Southern Luzon."

Oras na makapasok ito ng PAR ay ganap na itong tatawaging bagyong "Rolly" (Goni).

Bandang 4 a.m. nang mamataan ang mata nito 1,705 kilometro silangan ng Gitnang Luzon at may lakas na hanging aabot ng 65 kilometro malapit sa gitna.

May bugso ito na papalo ng 80 kilometro kada oras at kumikilos pakanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

"'Yung mga areas po na makararanas ng mga pag-ulan, especially dito sa may Bicol Region... maging handa po tayo sa mga updates na ilalabas ng PAGASA para maging handa po tayo sa ating magiging aksyon sa sama ng panahon na ito," patuloy pa ni Bulquerin.

Bukod sa nasabing tropical storm, meron pang binabantayang isang low pressure area 2,550 kilometero silangan ng Mindanao.

Posibleng pumasok ng PAR ang nasabing LPA at magdadala ng masamang panahon.

PAGASA ROLLY TROPICAL STORM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with