PhilHealth may 3 araw para bayaran ang P561 milyon pang utang â Gordon
Sinabi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng PRC, ang kanilang sinisingil ay para sa COVID-19 test na isinagawa sa may 160,475 indibidwal na sinagot ng PhilHealth.
STAR/ File
PhilHealth may 3 araw para bayaran ang P561 milyon pang utang – Gordon
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Binigyan ng tatlong araw na palugit ni Sen. Richard Gordon ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para bayaran ang natitira pang utang na P561 milyon sa Philippine Red Cross (PRC).

Sinabi ni Gordon, chairman ng PRC, ang kanilang sinisingil ay para sa COVID-19 test na isinagawa sa may 160,475 indibidwal na sinagot ng PhilHealth.

Ayon pa sa senador, susulatan ngayon ng PRC ang PhilHealth para pabayaran ang balanse dahil hindi dapat matagalan ang bayad dahil suportado ng mga records at resulta ng COVID test at litrato ang kanilang sinisingil.

Kamakalawa ay binayaran na ng PhilHealth ng P500 milyon o halos kahalati ng P1 bilyon utang nila sa PRC.

Sinabi ni PhilHealth President at CEO Dante Gierran na babayaran nila ang balanse ng utang kapag na-validate at na-verify na ang mga documentary requirements ng mga sinisingil ng PRC.

Iginiit naman ni Gordon na hindi na nila papayagan ang PhilHealth na lumaki pa ang utang sa PRC kaya ipapadala agad nila ang bill sa ahensiya.

PRC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with