^

Bansa

Luzon, babagyuhin ni ‘Rolly’ sa Undas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Luzon, babagyuhin ni �Rolly� sa Undas
Kahapon, namataan ang bagyo 1,960 kilometro silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 km per hour at may pagbugso na 70 kph.
PAG-ASA

MANILA, Philippines  — Inaasahang papasok sa bansa bukas ang namataang bagyo sa labas ng Philippine Area of Res­ponsibility (PAR) at posibleng salantain ang Luzon sa panahon ng pagdiriwang ng Undas.

Kahapon, namataan ang bagyo 1,960 kilometro silangan ng  Central Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 km per hour at may pagbugso na 70 kph.

Kumikilos ito ng mahina pakanluran hilagang kanluran papasok sa PAR at tatawaging Bagyong Rolly.

Ngayong Huwebes, ang bagyo ay nasa layong 1,590 km silangan ng Baler, Aurora at sa araw ng Llinggo, Nobyembre 1 na panahon ng Undas, si Rolly ay nasa layong 25 km kanluran ng Virac, Catanduanes.

Patuloy na pinapayuhan ng PagAsa ang mga residente sa naturang lugar na maghanda at mag-ingat upang makaiwas sa anumang aberya na dala ng naturang bagyo.

vuukle comment

UNDAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with