Kakayahang mag-isip ng COVID-19 survivor, maaaring tumanda ng 10 taon
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — May posibilidad na tumanda ng hanggang 10 taon ang pag-iisip ng isang COVID survivor base sa resulta ng pag-aaral ng mga eksperto sa United King-dom ukol sa epekto sa ‘brain function’ ng naturang virus.

Sa pag-aaral ng Imperial College London, sinabi ni Dr. Adam Hampshire na isinailalim nila sa pag-aaral ang nasa 84,000 tao kung saan nadiskubre nila na sa mga malulubhang kaso, nagreresulta ito sa ‘cognitive deficiency’ sa loob ng ilang buwan.

“People who had recovered, including those no longer reporting symptoms, exhibited significant cognitive deficits,” ayon sa naturang ulat.

Isinailalim sa tinata-wag na ‘Great British Intelligence Test’ ang mga partisipante. Kabilang dito ang mga gawain tulad ng pag-alala sa mga salita o pagsagot sa mga ‘puzzle’.
Dito natagpuan na mala-king bilang ng mga taong naospital dahil sa CO-VID-19 ang may ‘cognitive deficits’ kung saan ang pinakamalala ay katumbas ng 10 taong pagbaba ng pag-iisip.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with