Floating status ng empleyado, itinaas ng hanggang 1 taon
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Maaari nang mailagay sa ‘floating status’ ng hang­gang isang taon ang isang empleyado makaraang aprubahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maitaas ito mula sa dating anim na buwan lamang.

Sinabi ni Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez na nasa ilalim ito ng Department Order 215-2020 na nagbibi-gay ng anim na buwang ekstensyon sa ‘floating status’ dahil sa epekto ng COVID-19 sa mga negosyo.

Inamiyendahan ng ka­utusan ang ‘implemen-ting rules ang regulations (IRR)’ ng Labor Code of the Philippines na nagbibigay ng awtoridad sa mga employer na ilagay sa floating status ang ka­­nilang mga tauhan ng hanggang anim na buwan.

Sinabi ni Benavidez na mas makakabuti umano ito sa mga empleyado na sa halip na magkaroon ng ‘retrenchment’ ay palawigin ang kanilang pagiging ‘floating’ hanggang sa makarekober ang kanilang kumpanya at muli silang gawing aktibo.

DOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with