COVID-19 cases sa Pilipinas lagpas 375,000 na; patay nasa 7,114
Bagama't lumilikas ang pamilyang ito mula sa hagupit ng bagyong "Quinta" noong ika-25 ng Oktubre, makikitang naka-face mask pa rin ang pamilyang ito laban sa COVID-19 sa Legaspi, Albay
AFP/Charism Sayat
COVID-19 cases sa Pilipinas lagpas 375,000 na; patay nasa 7,114
James Relativo (Philstar.com) - October 28, 2020 - 4:30pm

MANILA, Philippines — Habang papalapit ang pagsasara ng ika-34 na linggo ng quarantine laban sa coronavirus disease sa Pilipinas, dahan-dahan ulit ang pagtaas ng bagong mga kaso mula sa dating 1,000 kada araw.

Ito ang lumalabas matapos umabot sa 2,053 ang bilang bagong kumpirmang COVID-19 cases sa Pilipinas. Itinutulak nito ang kabuuang bilang ng kaso sa bansa sa 375,180.

"17 duplicates were removed from the total case count. Of these, 14 were recovered cases," paliwanag ng Department of Health sa isang pahayag.

"Moreover, 17 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths."

Karamihan sa mga panibagong biktima ng pandemya ay sinasabing nagmula sa mga sumusunod na lugar: 

  • Caloocan City (108)
  • Quezon City (103)
  • Negros Occidental (97)
  • Benguet (93)
  • Rizal (85)

Sa kabila niyan, tanging 38,955 na lamang ang maituturing na "active cases" sa ngayon, o yaong mga patuloy pa ring dumaranas ng nasabing karamdaman.

Kalakhan pa rin sa mga COVID-19 cases sa Pilipinas ang sinasabing "mild" at "asymptomatic" cases sa tantos na 94.1%.

  • mild (83%)
  • asymptomatic (11.1%)
  • critical (3.8%)
  • severe (2.2%)

Binawian naman ng buhay ang 61 katao sa panibagong ulat ng DOH, dahilan para umabot na sa 7,114 na ang total COVID-19 deaths sa bansa.

Sumampa naman na sa 329,111 ang gumagaling sa sakit ngayong araw. Mas marami 'yan ng 540 kumpara sa mga datos noong Martes.

Ngayong lalo pang nagbubukas ang ekonomiya at mga karaniwang aktibidades sa gitna ng COVID-19, binweltahan naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pahayag ng OCTA Research na muling papalo ang panibagong infections.

Aniya, bagama't inaasahan itong risk ay matagal-tagal pa bago ito mawala bilang banta sa Pilipinas.

"The virus will stay here for long," paliwanag ni Vergeire, bagay na lagi't lagi rin daw binabanggit ni Health Secretary Francisco Duque III.

"We cannot remain to be in lockdown forever. We cannot remain to be paralized... Kaya nga po unti-unti natin nili-lift ang restrictions but with that safeguard na ang mga tao will change their behavior and comply with the minimum health standards."

Pumalo na sa 43.34 milyon ang nahahawaan ng kinatatakutang karamdaman sa buong mundo, ayon sa pinakabagong datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, 1.15 milyon na ang patay.

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with