44 Bu­reau of Immigration employees sa âpastillasâ sinuspinde ng Ombudsman
Ang suspension ay ginawa ng Ombudsman laban sa mga BI personnel upang hindi maimpluwensiyahan ang gagawin nilang pagbusisi hinggil sa naturang anomalya.
Edd Gumban, file
44 Bu­reau of Immigration employees sa ‘pastillas’ sinuspinde ng Ombudsman
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Pinatawan ni Om-budsman Samuel Martires ng anim na buwang preventive suspension ang 44 empleyado ng Bu­reau of Immigration (BI) na umano’y sangkot sa pastillas scheme.

Sinasabing ang modus ng mga nabanggit ay ang pagpapasok ng mga Chinese natio-nals sa Pilipinas bilang turista at saka gagawing empleyado sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs.

Sinasabing binayaran ang ilang Immigration personnel at Chinese at Filipino travel agencies ng P10,000 na nasa loob ng nakatuping bond paper na mistulang pastillas.

Noong Setyembre, nagsampa na ng kasong kriminal ang National Bureau of Investigation  laban sa 19 tauhan ng BI na umano’y sangkot sa naturang modus.

Ang suspension ay ginawa ng Ombudsman laban sa mga BI personnel upang hindi maimpluwensiyahan ang gagawin nilang pagbusisi hinggil sa naturang anomalya.

BI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with