Nag-resign na PhilHealth execs âdi pa absuwelto
Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ulat sa bayan kasabay ang paalala na hindi maililigtas ang mga sangkot sa kabila ng kanilang resignation.
Joven Cagande, file
Nag-resign na PhilHealth execs ‘di pa absuwelto
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Hindi pa abswelto sa kasong kriminal at admi­nistratibo ang mga opis­yal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na dawit sa anomalya kahit pa sila ay umalis na sa puwesto.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ulat sa bayan kasabay ang paalala na hindi maililigtas ang mga sangkot sa kabila ng kanilang resignation.

“Mag-resign ka man, hindi ka mag-report, you would be summoned or subpoenaed because for  all intents and purposes you are not allowed to re­sign, to escape liabili­ty,” dagdag ni Duterte.

Nauna ng sinabi ni PhilHealth president Dante Gierran na nasa 43 opisyal ng korporasyon ang umalis sa puwesto kabilang ang 21 na mula sa central office.

Ipinaalala rin ni Duterte na hindi maaaring magbitiw sa puwesto ang isang opisyal kung mayroong nakabinbing kaso.

Sinabi pa ni Duterte na nakita niya na puro regsignation ang nangyari sa PhilHealth pero hindi nangangahulugan na ligtas na ang mga ito. 

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with