PhilHealth nagbayad ng P500 milyon  sa Red Cross
Mismong si PhiHealth president at CEO Dante Gierran ang nagkumpirma na ini-release na ng PhilHealth ang P500 milyong partial payment nila sa PRC at tiniyak na bibilisan din ang pagproseso para mabayaran ang kanilang matitirang balanse, habang istriktong sumusunod sa accounting rules at regulations ng pamahalaan.
STAR/ File
PhilHealth nagbayad ng P500 milyon sa Red Cross
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nagbayad ng P500 milyon ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) o kalahati ng P1.1 bilyong utang nito sa Philippine Red Cross (PRC) para sa COVID-19 swab tests na isinagawa nito.

Mismong si PhiHealth president at CEO Dante Gierran ang nagkumpirma na ini-release na ng PhilHealth ang P500 milyong partial payment nila sa PRC at tiniyak na bibilisan din ang pagproseso para mabayaran ang kanilang matitirang balanse, habang istriktong sumusunod sa accounting rules at regulations ng pamahalaan.

Una nang itinigil ng PRC ang swab tests na naka-charge sa PhilHealth.

Sinabi ng PRC na magsasagawa lamang muli sila ng swab tests sa sandaling makapagbayad na ang Philhealth sa kanila.

Nangako naman ang PhilHealth na magbabayad nitong Lunes, Oktubre 26, ngunit hindi ito natupad.

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with