P4.506 trilyong national budget naisumite na sa Senado
Joy Cantos, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Natanggap na kahapon ng Senado ang panukalang P4.506 trillion na 2021 General Appropriations Bill (GAB).

Ayon kay Senate Committee on Finance chairperson Sonny Angara, ipinadala na ng House of Representatives ang inaprubahang panukalang pambansang budget sa Senate Bills and Index Service.

Kaagad din itong iti-turnover sa Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO).

Target umano ng Senado na maisponsoran ang panukala sa plenaryo sa Nobyembre 10 dahil kaila-ngan pa muna itong i-refer sa Senate Committee on Finance sa pagbubukas ng sesyon sa Nobyembre 9.

Pinasalamatan naman ni Senate President Vicente Sotto III si Speaker Lord Allan Velasco dahil sa mabilis nitong naipasa sa Senado ang panukala isang araw bago ang ipinangako niyang submission ng GAB.

Dahil dito ayon kay Sotto kaya masisiguro nila na maipapasa at mapipirmahan ito ni Pangulong Duterte sa Disyembre para maging ganap na batas at maipatupad ng Enero 2021.

Una nang tiniyak ni Velasco na ang ‘record-high budget’ ay ‘pork free’.

GAB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with