GCQ pinalawig sa Metro Manila hanggang Nobyembre 30
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila hanggang Nobyembre 30.

Bukod sa Metro Manila, iiral din ang GCQ sa Batangas, Iloilo City, Iligan City, Bacolod City at Lanao del Sur.

Ayon sa Pangulo, karamihan sa mga ma-yors ay gustong maging permanente ang GCQ dahil napapababa ang kaso ng may COVID-19.
Sinabi rin ni Duterte na patuloy na babantayan ng pamahalaan ang kaso ng COVID-19 upang makontrol ang paglobo nito at tuluyan ng makapagbukas ang ekonomiya ng bansa.
Magugunitang mismong ang mga Metro Manila Mayors ang humiling kay Duterte na kung maaari ay manatili sa GCQ ang National Capital Region hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Ayon pa sa Pangulo, hindi layunin ng gobyerno na maging misera­ble ang buhay ng mga mamamayan.

Ipinaalala muli ng Pangulo na nananatili pa rin ang virus kaya mahalaga ang hinihintay na bakuna.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with