COVID-19 cases sa bansa 373,144 na sa pagdagdag ng 1,524 infections
Tinitiyak ng gwardyang ito na nasusunod ang COVID-19 health protocols habang kumakain nang "dine-in" ang ilang customers sa isang restaurant sa Lungsod ng Quezon, ika-15 ng Hunyo
The STAR/Michael Varcas, File
COVID-19 cases sa bansa 373,144 na sa pagdagdag ng 1,524 infections
James Relativo (Philstar.com) - October 27, 2020 - 4:04pm

MANILA, Philippines — Tuloy pa rin sa pagsipa ang mga panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang Pilipinas apat na raw bago ang buwan ng Nobyembre, Martes.

Ito ang lumalabas matapos umabot sa 373,144 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong COVID-19 cases sa Pilipinas. Mas marami 'yan ng 1,524 kumpara sa mga datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Lunes.

"10 duplicates were removed from the total case count. Of these, 4 were recovered cases," sabi ng kagawaran sa isang pahayag.

"Moreover, 5 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths."

Karamihan sa mga panibagong biktima ng pandemya ay sinasabing nagmula sa mga sumusunod na lugar: 

  • Negros Occidental (115)
  • Cavite (76)
  • Benguet (72)
  • Quezon City (67)
  • Laguna (65)

Sa kabila niyan, tanging 37,489 na lamang ang maituturing na "active cases" sa ngayon, o yaong mga patuloy pa ring dumaranas ng nasabing karamdaman.

Kalakhan pa rin sa mga COVID-19 cases sa Pilipinas ang sinasabing "mild" at "asymptomatic" cases sa tantos na 93.8%.

  • mild (82%)
  • asymptomatic (11%)
  • critical (4%)
  • severe (2.2%)

Hindi naman pinalad ang 14 pang pasyente, matapos tuluyang mabigo sa kanilang pakikipagbuno sa pathogen. Sumatutal, nasa 7,053 na ang total local death toll kaugnay ng sakit.

Gayunpaman, higit na nakararami ang gumagaling na sa sakit matapos nitong tumuntong sa 328,602 ngayong araw.

Kanina lang nang sabihin ni Prof. Guido David ng OCTA Research Group na posibleng umabot sa 480,000 ang tatamaan ng karamdaman sa Pilipinas sa pagtatapos ng Nobyembre — 'yan ay kahit na napakalaki ng nabawas sa testing capacity ng Pilipinas sa pagtigil operasyon ng Philippine Red Cross (PRC).

Kulang-kulang nasa 30% na raw ng kabuuang COVId-19 testing capacity ang nabawas dahil sa hindi pagbabayad ng P1.1 bilyong utang ng PhilHealth sa kanila.

Basahin: COVID-19 cases sa bansa baka halos kalahating milyon na this November — expert

Sa ngayon, halos nasa 43 milyon na ang dinadapuan ng kinatatakutang virus disease buong mundo. Sa bilang na 'yan, 1.15 milyon na ang patay, taya ng World Health organization (WHO).

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with