COVID-19 cases sa bansa baka halos kalahating milyon na this November — expert
Nagsusuot ng personal protective equipment (PPE) laban sa COVID-19 ang healthcare worker na ito sa "Mega Swabbing Center" ng Philippine Sports Stadium sa Sta. Maria, Bulacan, ika-2 ng Mayo
The STAR/Michael Varcas, File
COVID-19 cases sa bansa baka halos kalahating milyon na this November — expert
James Relativo (Philstar.com) - October 27, 2020 - 2:39pm

MANILA, Philippines — Sa patuloy na paglaki ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa Pilipinas, hindi raw malayo na umabot sa halos kalahating milyon ang magiging biktima ng virus sa pagsasara ng susunod na buwan.

Ito ang sinabi ng isa sa mga miyembro ng OCTA Research Group na si University of the Philippines Prof. Guido David sa panayam ng Teleradyo, Martes.

"Right now 'yung rough estimate [is] between 450,000 to 480,000 by end of November, total number of cases," wika ni David.

"Nakikita naman natin bumababa talaga ang number of active cases. 'yun ang importante."

Sinabi niya 'yan kahit na wala pang opisyal na projection na inilalabas ang OCTA Research, lalo na't naaantala ngayon ang ilang COVID-19 testing dahil sa hindi pagbabayad ng P1.1 bilyong utang ng PhilHealth — isang government-owned corporation — sa Philippine Red Cross (PRC).

Kahit pababa na raw kasi ang mga numero, maaaring hindi raw nito naipipinta ang totoong itsura COVID-19 transmission ng sa Pilipinas dahil sa malaking naibawas ng PRC sa testing capacity ng Pilipinas.

"'Yung nangyayari kasi, 'yung lumalabas na numbers... sa Department of Health (DOH)... lower sila than 'yung actual na nakikita natin," ani David.

"'Yung sa Philippine Red Cross, they account for an average of 38% of tests sa National Capital Region."

Kung sa buong Pilipinas 'yan, kulang-kulang ay halos 30% na raw 'yan ng total COVID-19 testing capacity.

Kapansin-pansin din daw na nasa 40% hanggang 50% ang ibinaba ng reported cases sa Metro Manila, Cavite, Laguna at Batangas simula nang matigil ang operasyon ng Red Cross — bagay na maaaring hindi dahilan ng totoong pagbaba ng cases.

Maaaring madagdagan pa nga raw ng 200 hanggang 300 ang daily new average cases sa Metro Manila kung maisasama amng mga tests ng Red Cross.

"Nangalahati, pero hindi naman 'yun dahil nangalahati ang number of cases pero dahil hindi natin nade-detect 'yung mga ibang cases so far dahil nga naka-stop 'yung Philippine Red Cross sa testing," wika pa ni David.

Dagdag pa niya, maaaring mapilay daw ang pagsusumikap ng Pilipinas laban sa pandemya dahil hindi nalalaman ng mga local government units kung merong COVID-19 ang isang tao, bagay na alam na dapat sa loob ng 24 hanggang 38 oras.

Magkakasuhan?

Kaugnay ng naiipit na testing, sinabi naman ngh PRC na maaaring mauwi sa posibleng legal action ang kanilang organisasyon kung hindi tuluyang mabayaran ng PhilHealth ang kanilang pagkakautang.

"Ayaw nila magbayad? Then we stop the testing," ani Sen. Richard Gordon, na tumatayo ring PRC chairperson sa CNN Philippines.

"Hindi kami nagba-blackmail. We’ll just have to go to take our legal courses of action."

Una nang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na bagama't hindi agad mase-settle ng gobyerno ang pagkakautang, kaya namang mabayaran daw ang nasa kalahati nito sa ngayon.

"Kung talagang hindi natin mapipilit ang PRC na bumalik, maski ang offer ngayon ay 50% ay babayaran, wala tayong magagawa," wika ni Roque, habang ipinaliliwanag ang paghahanap nila ng alternatibo sa magbibigay ng tests.

Meron 115 PCR-test facilities sa ngayon ang gobyerno, maliban pa sa 35 GeneXpert machines.

Sa huling taya ng Department of Health kahapon, nasa 371,630 na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan,. 328,258 na ang patay. — may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS PHILIPPINE RED CROSS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with