Bagsik ni âQuintaâ: Southern Luzon pinadapa
Nakapagtala naman ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ng 9,235 katao na naapektuhan ng bagyo sa Calabarzon, Mimaropa, Region 5 at CAR.
Courtesy of Ivy Rose delas Alas/File
Bagsik ni ‘Quinta’: Southern Luzon pinadapa
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

1 patay, 12 missing

MANILA, Philippines — Nag-iwan ng isa kataong patay at 12 nawawala ang bagyong Quinta na nanalasa sa Southern Luzon at Bicol Region, kahapon.

Ayon kay PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan, wala pang pagkakakilanlan sa nasawi na mula sa Caga­yan Valley habang nasa 12 mangi­ngisda ang nawawala na mula sa Catanduanes na pumalaot at naabutan ng bagyo.

Nakapagtala naman ang  National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ng 9,235 katao na naapektuhan ng bagyo sa Calabarzon, Mimaropa, Region 5 at CAR.

Nasa 5,704 na mga apek­tado ang inilikas sa mga eva­cuation center.

Habang 3,504 ang pawang nakituloy sa kanilang mga kaanak.

Nasa 3,558 naman ang mga stranded kung saan nasa 75 sa Calabarzon, 991 sa Mimaropa, 1,898 sa Bicol region at 594 sa Eastern Visayas.

Sa ngayon, nakararanas anya ng kawalan ng suplay ng kuryente sa Catanduanes kasama na rin ang mga lalawigan ng Quezon, Albay, Camarines Sur, Masbate at Sorsogon.

Ayon sa PAGASA, bahagyang lumakas pa ang bagyong Quinta habang papunta ng West Philippine Sea.

Alas-4 ng hapon kahapon, ang sentro ni Quinta ay namataan sa layong  310 km kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro at patuloy ang pagkilos pakanluran sa bilis na 25 kph.

Taglay ni Quinta ang lakas ng hangin na umaabot sa 130 kph at pagbugso na 160 kph.

Ngayong umaga, si Quinta ay nasa layong 835 km kanluran ng Tanauan City, Batangas hanggang sa lumabas na ng bansa. — Jorge Hallare, Angie dela Cruz

 

TYPHOON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with