COVID-19 vaccine inaasahan sa Disyembre - US expert
Sa Pilipinas, mag-uumpisa pa lamang sa Disyembre ang Phase 3 ng clinical trials ng mga kandidatong gamot kontra COVID-19 habang hinihintay na lamang ng Chinese vaccine na Sinovac ang permit mula sa Ethics Board para maumpisahan na rin ang kanilang clinical trial sa bansa.
AFP/Johannes Eisele, file
COVID-19 vaccine inaasahan sa Disyembre - US expert
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malalaman na sa unang bahagi ng Disyembre kung magkakaroon ng bakuna kontra COVID-19 na epektibo at ligtas, ayon kay US National Institute of Allergy and Infectious Diseases director Dr. Anthony Fauci.

Ngunit ang malawakang distribusyon nito sa iba’t ibang bansa ay magiging handa lamang makalipas ang ilan pang buwan o sa ikalawa o ikatlong quarter pa ng 2021.

“The amount of doses that will be available in December will not certainly be enough to vaccinate everybody -- you’ll have to wait several months into 2021,” ayon kay Fauci.

Dito umano magkakaroon na ng posibleng pag-normal ng sitwasyon sa iba’t ibang mga bansa na labis na naapektuhan ng pandemya.

Sa Pilipinas, mag-uumpisa pa lamang sa Disyembre ang Phase 3 ng clinical trials ng mga kandidatong gamot kontra COVID-19 habang hinihintay na lamang ng Chinese vaccine na Sinovac ang permit mula sa Ethics Board para maumpisahan na rin ang kanilang clinical trial sa bansa.

Samantala, nakikipagnegosasyon na ang Russia sa mga posibleng lokal na kontraktor para sa produksyon ng kanilang aprubadong bakuna na Gamaleya.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with