PhilHealth âdi nagbayad ng utang - Gordon
Dismayado si Gordon dahil sa hindi pagtupad ng pangako nitong magbabayad ng utang sa PRC, lalo na at paubos na aniya ang kanilang COVID-19 test kits at kailangan nilang magbayad upang magkaroon ng suplay na kakailanganin sa pagsusuri.
Boy Santos/File
PhilHealth ‘di nagbayad ng utang - Gordon
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bigong mabayaran kahapon ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang halos P1 bilyong utang nito sa Philippine Red Cross.

Nitong Sabado ay nangako ang PhilHealth na magbabayad ng utang nitong Lunes, Oktubre 26.

“PhilHealth owes PRC P1.1billion already. No payment as yet in spite of their numerous announcements that they will pay…PhilHealth has been perfidious, reckless [and] they have been in violation of the contract so many times. PRC covered the first humongous wave of people to be tested,” ayon kay Sen. Richard Gordon, chairman ng PRC.

Dismayado si Gordon dahil sa hindi pagtupad ng pangako nitong magbabayad ng utang sa PRC, lalo na at paubos na aniya ang kanilang COVID-19 test kits at kailangan nilang magbayad upang magkaroon ng suplay na kakailanganin sa pagsusuri.

Sinabi ni Gordon na dahil sa naturang pangako ng PhilHealth ay nagpa-charter sila ng biyahe sa China ngayong Martes upang makakuha ng COVID-19 test kits na ang shipment ay nagkakahalaga ng 6-8 milyong dolyar.

Ngayon aniyang hindi naman nakapagbayad ang PhilHealth ay wala silang pambayad sa naturang test kits kaya’t mapipilitan silang kanselahin ang naturang biyahe.

Mapipilitan din aniya silang itigil muna ang konstruksiyon ng ilang provincial molecular laboratories dahil sa hindi pa rin pagbabayad ng PhilHealth.

Matatandaang Oktubre 16 nang magdesisyon ang PRC na itigil ang COVID-19 testing hanggang hindi nababayaran ang utang sa kanila. — Gemma Garcia

 

RICHARD GORDON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with