Philippine envoy sa Brazil pinauuwi, nanggulpi ng Pinay helper
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

Nahuli sa cam

MANILA, Philippines — Pinauuwi sa Pilipinas ang Philippine Ambassador to Brazil na si Marichu Mauro matapos na makunan sa CCTV ang panggugulpi niya sa kanyang Filipina helper.

Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., nire-recall niya si Mauro habang gumugulong ang imbestigasyon sa kaniyang pambubugbog sa 51-anyos na kasambahay.

“The Philippine Ambassador to Brazil has been recalled effective immediately to explain the maltreatment of her service staff,” sabi ni Locsin. 

Nakuhanan umano ng security camera si Mauro na sinasabunutan, hinahampas, pinapalo ng payong, at pinipi­ngot ang kaniyang household helper sa mga video sa loob ng kaniyang diplomatic residence.

Ang pagmamaltrato na nakunan ng security cam ay ibinahagi ng isang empleyado subalit tumangging magpakilala.

Kabilang umano sa pana­nakit na ginagawa ni Mauro ay ang pananampal sa biktima at tumigil lamang nang may duma­ting pa na isang em­pleyado sa bahay.

Habang sa isang video ay hinihila ng ambassador ang tenga ng kasambahay at pinapalo rin ng payong.

Taong 2018 nang madestino si Mauro sa Brazil, at nasa ilalim niya rin ang Colombia, Guyana, Suriname, at Vene­zuela. 

 

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with