Solon: Malampaya funds gamitin para sa healthcare
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bilang tugon sa panawagan ng Kongreso na maghanap ng karagdagang pondo upang maiangat ang kalidad ng public healthcare sa bansa, naghain ang ilang kongresista kamakailan ng panukalang gamitin ang bahagi ng Malampaya funds para sa pondong pangkalusugan. 

Inihain nina Reps. Eric Pineda, Mikee Romero, at Virgilio Lacson, na mga miyembro rin ng House Health Committee, ang House Bill (HB) No. 7800, nanirerekomenda ang pag-amiyenda ng Presidential Decree (PD) No. 910 upang payagan ang Kongreso na ilaan ang bahagi ng Malampaya funds at ng iba pang oil exploration projects para sa upgrading ng healthcare system sa bansa, lalo sa panahong ito ng pandemya. 

Sa ilalim ng 10-point socioeconomic agenda ng pamahalaang Duterte, ang PPP (public-private partnerships) ay isang mahalagang paraan upang mapabilis ang infrastructure development.

Binanggit sa HB 7800 bilang halimbawa ang Malampaya na maaaring pagkunan ng pondo para sa pagpapalakas ng public healthcare system. 

Ang Malampaya ay isa sa mga maituturing na matagumpay na PPP project sa bansa. 

Ayon kay 1Pacman party-list Rep. Pineda, chairman din ng House committee on labor and employment: “Napakayaman ng Pilipinas sa natural resources. Sa katunayan, tayo ang may pinakamalaking supply ng natural gas sa mundo. Nariyan ang Ligwasan Marsh sa Mindanao, at marami rin tayong natural gas sa Sulu. Kaya napakahalaga ng mga proyekto tulad ng Malampaya, habang natigil ang ibang developments dahil sa pandemya,” dagdag ni Pineda. 

Binanggit pa nito na kailangan muna nating sagipin ang ating mga kababayan at magtayo ng sapat na healthcare facilities para sa mga nagkasakit ng COVID-19. Ang license to operate ng Malampaya ay hanggang 2023 na lamang.

“Mayroon pa tayong hindi nakukuha na P23 milyong pondo galing sa Malampaya. Kailangan nating amyendahan agad ang PD 910 dahil may dalawang taon na lang tayo upang magamit ang Malampaya fund,” dagdag pa ni Pineda.

 

MALAMPAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with