P20K bayad sa RT-PCR test, pinalulusot sa NAIA
Sinabi ni Gordon na nag-o-operate ang naturang NGO sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark at Cebu.
STAR/File
P20K bayad sa RT-PCR test, pinalulusot sa NAIA
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Ibinunyag kahapon ni Philippine Red Cross chairman at Sen. Richard Gordon na pinayagan ng pamahalaan ang isang non-government organization (NGO) na magbigay ng COVID-19 RT-PCR test sa mga paliparan at sumisingil ng hanggang P20,000 kada isang test.

Sinabi ni Gordon na nag-o-operate ang naturang NGO sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark at Cebu.

“May nagtext sa’kin galing Washington DC. Ang sabi, ang charge sa kanya P10,000. Mukhang may nabebendisyunan doon,” ayon kay Gordon.

“Isa pa (Another one said), ‘My sister paid P7,000 to get the results in 24 hours. Naghintay siya (she waited) beyond 24 hours and got it only after she expressed her rage... For 12 hours, it costs P10,000, and for 6 hours, it costs P20,000,’” dagdag pa niya.

Matatandaan na umabot sa higit P1 bilyon ang utang ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa PRC sa mga hindi nabayarang RT-PCR tests. Kamakailan, nagsabi ang PhilHealth na inaayos na nila ang mga dokumento para makapagbayad na sila ng utang at mag-umpisa na muli ang PRC na magsagawa ng tests sa mga dumarating na mga OFWs.

Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may 6,000 repatriates ang stranded pa rin sa Metro Manila habang naghihintay na maisailalim sa tests.

Nabatid na sumisingil lamang umano ang PRC ng P3,500 kada RT-PCR test na malayo sa singil ng NGO na binabanggit ni Gordon.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with