COVID-19 vaccine czar kailangan - DOH
Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kailangan ito para magkaroon ng pokus sa ‘vaccine development and implementation’ ngunit magiging desisyon pa rin ito ng Office of the President.
AFP/Johannes Eisele, file
COVID-19 vaccine czar kailangan - DOH
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Suportado ng Department of Health (DOH) ang panukala na magtalaga ang Malacañang ng COVID-19 vaccine czar na siyang tututok sa mga isinasagawang eksperimento ukol dito hanggang sa aktuwal na distribusyon sa bansa.

Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kailangan ito para magkaroon ng pokus sa ‘vaccine development and implementation’ ngunit magiging desisyon pa rin ito ng Office of the President.

Kung magkakaroon umano ng iisang mamumuno sa bakuna, matututukan ang pagtiyak na mabibigyan nito lahat ng 110 milyong Pilipino kapag natapos na ang mga trials at natiyak na epektibo at ligtas ito.

Masosolusyunan rin ang ibang mga problemang kinakaharap ukol sa importasyon, ‘logistics’ para maipamahagi sa iba’t ibang probinsya at pag-iimbakan nito na nangangailangan ng ‘cold storage’.

Kasalukuyan na ang Department of Science and Technology (DOST) at Food and Drug Administration (FDA) ang mga ahensya na nangunguna sa mga aksyon ukol sa bakuna kontra COVID-19.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with