Vice President Robredo, mga staff naka-quarantine
Ayon kay Vice President Leni Robredo, Miyerkules nang ma-exposed siya sa isang COVID-19 case sa isa sa kanyang mga aktibidad, kaya’t agad siyang nag-quarantine.
Boy Santos, file
Vice President Robredo, mga staff naka-quarantine
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Kasalukuyang naka-quarantine si Vice Pres. Leni Robredo matapos na ma-exposed sa isang kaso ng COVID-19 kamakailan.

Ayon kay Robredo, Miyerkules nang ma-exposed siya sa isang COVID-19 case sa isa sa kanyang mga aktibidad, kaya’t agad siyang nag-quarantine.

Bukod sa kanya, na-exposed din sa COVID case ang kanyang chief of staff na si Undersecretary Philip “Boyet” Dy at ilan pang staff, na pawang naka-quarantine na rin ngayon.

“Dapat sana itong darating na linggo, sa Lucena kami, Tuesday dapat sa Caloocan kami. Pero na-expose ako noong Miyerkules, noong Huwebes. Na-expose ako sa isang nag-positive,” pahayag ni Robredo.

Umaasa naman si Robredo na maisasailalim siya at kanyang mga staff sa swab test sa lalong madaling panahon upang matukoy kung nahawa sila ng virus.

Sakali aniyang na-clear sila sa virus ay saka na nila itutuloy ang kanyang mga aktibidad.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with