De Lima âdi sangkot sa drug trade sa Bilibid
Una nang naghain ng magkahiwalay na Motion for Bail si Senator Leila De Lima noong Hunyo at Agosto para sa nasabing mga kaso na hindi pa naaksyunan ng korte.
STAR/ File
De Lima ‘di sangkot sa drug trade sa Bilibid
Ludy Bermudo, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Wala raw nakitang ebidensiya na nag-uugnay kay detained Senator Leila De Lima sa drug trade sa New Bilibid Prison (NBP), ayon sa kanyang legal counsel na si Atty. Boni Tacardon.

Ito ay matapos sabihin sa korte ng prosecution witnesses mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC)  na si Artemio Baculi Jr. at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) digital forensic examiner Krystal Caseñas kay Judge Liezel Aquiatan, ng Muntinlupa RTC Branch 205 na kahit naririnig nila sa mga usapan ang pangalan ni De Lima ay hindi nila kailanman inimbestigahan ang Senadora.

Idinagdag pa ni Baculi na walang naging transaksiyon sa pagitan nina convicted drug lord Peter Co at De Lima at isang kapwa akusado na si Jose Adrian Dera, ang dating police asset ng anti-drug unit.

Maging si Caseñas ay umamin na walang palitan ng mensahe kaugnay sa drug transactions sa pagitan nina De Lima at Dera, batay sa messages at call logs na na-extract sa mga cellphones ng mga drug lords na isinumite sa PDEA ng Bureau of Corrections (BuCor).

Hindi tinanggap ng korte ang salaysay ni Caseñas na nagpapahiwatig na si Peter Co ang may-ari ng mga siniyasat niyang cellphone galing sa BuCor sa kadahilanang opinyon lang umano niya ito at wala siyang sapat na basehan.

Punto pa ni Tacardon, maaaring nalabag pa ni Caseñas ang Cybercrime Law nang suriin niya ang mga cellphone nang walang kaukulang pahintulot na isang paglabag sa Cybercrime Prevention Act dahil sila kumuha ng cyber warrant.

Una nang naghain ng magkahiwalay na  Motion for Bail si De Lima noong  Hunyo at Agosto  para sa nasabing mga kaso na hindi pa naaksyunan ng korte.

NBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with