_ngayon
^

Bansa

Turismo sa Benguet pasisiglahin pa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Lingid sa kaalaman ng karamihan na si ACT-CIS at Benguet Caretaker Cong. Eric Yap ang nag-imbita sa Miss Universe Philippines para doon ganapin ang pageant ngayong 2020.

Sinabi ni Yap, “Gusto ko lang po na makilala rin ang Benguet hindi lang sa malamig na klima at supplier ng gulay at strawberry  kundi sa napakaraming magandang tanawin dito na hindi nakikita ng mga kabababayan natin sa ibang lugar.”

Kasama sa plano ni Cong. Yap na sesementuhin ang mga kalsada sa iba’t ibang bahagi ng Benguet hindi lang para madaling maibaba ang mga produkto ng mga magsasaka kundi para marating ng mga turista ang magagandang lugar sa lalawigan.

“Nagbigay na po ng P50 million ang Department of Tourism (DOT) para mapasigla ang turismo dito sa Benguet,” ani Yap.

Pinapaayos niya na rin ang comfort room at viewing deck sa strawberry fields sa La Trinidad.

“Umpisa pa lang po ito dahil titiyakin ko na kapag natapos na itong covid, itong Benguet ay isa sa papasyalan ng mga foreign tourists dahil sa ganda nito sa susunod na taon,” dagdag pa ni Yap.

ERIC YAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with