âQuintaâ bahagyang lumakas
Alas-10 ng umaga, ang sentro ni Quinta ay namataan ng PAGASA sa layong 660 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar o nasa layong 730 km silangan ng Juban, Sorsogon.
PAG-ASA
‘Quinta’ bahagyang lumakas
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Bahagyang lumakas ang bagyong Quinta habang kumikilos papunta sa Philippine sea.

Alas-10 ng umaga, ang sentro ni Quinta ay namataan ng PAGASA sa layong 660 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar o nasa layong 730 km silangan ng Juban, Sorsogon.

Kumikios ito sa bilis na 30 km bawat oras taglay ang lakas ng hangin na 55 kph at pagbugso na umaabot sa 70 kph.

Nakataas ang signal number 1 ng bagyo sa Ca­tanduanes.

Inaasahang magla-landfall si Quinta sa buong Bicol Region ngayong Linggo ng gabi hanggang Lunes ng umaga at pagkatapos ay kikilos pakanluran papunta ng Southern Luzon sa Lunes.

Ang bagyong si Quinta at ang Severe Tropical Storm na si “Saudel”na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR)  ay magdadala ng katamtaman na minsay malakas na pag-ulan sa buong MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao, at Caraga.

Kahapon ng alas-10 ng umaga, ang sentro ni Saudel” ay nasa layong 805 km kanluran ng Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 110 kph at pagbugso na 135 kph.

Patuloy ang pagkilos nito papunta sa central portion ng Vietnam.

Sa Miyerkules ay inaasahang nasa labas na ng bansa si Quinta.

PAG-ASA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with