Naiibang diskarte kailangan sa bagong ekonomiya
Sa isang ‘aide memoire’ na isinumite sa bagong liderato ni Speaker Lord Allan Velasco, ipinaliwanag ni Salceda ang isang bagong istratehiyang binansagan nitong “New Deal for the New Economy” at dito’y nakapaloob ang agresibong mga tugon ng batas na titiyak sa patas na pagbangon para sa lahat pagkalipas ng pandemya.
Philstar.com/ Irish Lising
Naiibang diskarte kailangan sa bagong ekonomiya
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Isinusulong ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang mga ‘bold economic policies’ o naiibang mga diskarte sa pagharap sa bagong ekonomiya pagkatapos ng COVID-19 pandemic.

Sa isang ‘aide memoire’ na isinumite sa bagong liderato ni Speaker Lord Allan Velasco, ipinaliwanag ni Salceda ang isang bagong istratehiyang binansagan nitong “New Deal for the New Economy” at dito’y nakapaloob ang agresibong mga tugon ng batas na titiyak sa patas na pagbangon para sa lahat pagkalipas ng pandemya.

“Nasa sitwasyon tayong bumagsak o sumulong. Kailangang mabilis tayong kumilos para magamay ang bagong ekonomiya. Naging matinding pagsubok sa bansa ang Covid-19 at kailangang maging matibay ang lahat sa matinding mga hamon na ating kinakaharap,” paliwanag ng solon.

“Nakita na natin ang mga naturang hamon. Marami ang napilitang sa bahay magtrabaho. Maraming karaniwang mga manggagawa ang nawalan ng trabaho at kabuhayan, sabi ni Salceda.

Sa ilalim ng ‘New Deal for the New Economy,’ kailangan ang mga komprehensibong reporma sa enerhiya, imprastraktura, pamumuhunan sa mga lalawigan, matatag na pananalapi tungo sa ‘A’ credit rating, giit pa ni niya.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with