PhilHealth âbayad-utangâ na sa Red Cross, bukas
Kinumpirma ng PhilHealth na natanggap na nila ang legal opinion ng Department of Justice.
STAR/ File
PhilHealth ‘bayad-utang’ na sa Red Cross, bukas
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na tuloy na ang pagbabayad nila sa kanilang P930 milyong utang sa Philippine Red Cross (PRC) ngayong Lunes.

Kinumpirma ng PhilHealth na natanggap na nila ang legal opinion ng Department of Justice.

May kaugnayan ito sa memorandum of agreement na kanilang pinasok sa PRC. Sinasabi umano ng DOJ na legal ang kontrata at hindi na ito sakop ng Procurement Law.

“Having been in receipt today (Biyernes) of the DOJ legal opinion saying that the PhilHealth-PRC MOA is not subject to Procurement Law, PhilHealth will release payment on Monday, October 26, 2020,” pahayag pa ng PhilHealth.

Hindi naman binanggit kung buo nang babayaran ng PhilHealth ang P930-M.

Kumpiyansa ang PhilHealth na sa sandaling makapagbayad na sila ng utang sa PRC ay kaagad na nitong ipagpapatuloy ang COVID testing.

Una nang sinabi ng DOLE na nasa 6,000 OFWs na ang natengga sa mga quarantine site dahil nag-aantay pa ng COVID tests.

“This should enable the PRC to immediately resume its testing of swab specimen of concerned sectors which PhilHealth pays for,” dagdag pa ng PhilHealth.

Matatandaang nagpasya ang PRC na itigil muna ang swab tests, bunsod ng kabiguan ng PhilHealth na bayaran ang aabot sa halos P1 bilyong utang nito.

PRC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with