DILG, makikipagpulong sa Facebook officials
“Ang totoong impormasyon ay magpapalakas sa mga tao upang makibahagi sa nation-building katulad ng paglaban ng gobyerno upang mapigilan ang COVID-19,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.
STAR/Michael Varcas/File
DILG, makikipagpulong sa Facebook officials
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nakatakdang magpulong ang mga opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Facebook sa susunod na linggo upang mapag-usapan kung bakit nito tinanggal ang ilang Phl-based FB pages at accounts nang walang konsultasyon at babala.

“Ang totoong impormasyon ay magpapalakas sa mga tao upang makibahagi sa nation-building katulad ng paglaban ng gobyerno upang mapigilan ang COVID-19,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

Nauna rito, inakusahan ng Malacañang ang social media giant ng censorship habang nag-file naman ng Senate Resolution si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa para imbestigahan ang pagtanggal ng mga social media accounts sa ngalan ng pangangalaga sa kala­yaan sa pamamahayag.

Kinumpirma ng Facebook ang pagtanggal ng Phl-based accounts dahil nagpapakita umano ang mga ito ng “coordinated inauthentic behavior”.

Ayon kay Año, tata­lakayin sa pagpupulong kung paano ipinapatupad ng Facebook ang content-based restrictions.

Inaasahan din ni Año na ang dalawang pa­nig ay makahahanap ng solusyon kung paano makakatulong ang social media sa gobyerno para labanan ang fake news at disinformation.

Sabi pa nito na “sinamantala ng mga kriminal at extremist groups ang pandemya upang isabotahe ang paghahatid ng pamahalaan ng serbisyo sa mga mamamayan”.  

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with