Motorcycle taxis pinayagan na ng IATF
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaari na ulit ipagpatuloy ang operas­yon matapos palawigin ng House of Representatives ang motorcycle taxi pilot study program.
The STAR/Boy Santos, file
Motorcycle taxis pinayagan na ng IATF
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang pagbabalik ng mga motorcycle-taxi katulad ng Angkas, Joyride at Move It.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaari na ulit ipagpatuloy ang operas­yon matapos palawigin ng House of Representatives ang motorcycle taxi pilot study program.

Sabi ni Roque, mayroong guidelines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at hintayin na lamang ang pagpapalabas nito.

“Meron pong guidelines na i-issue ang LTFRB. Pero ang maganda po rito is wala na pong hadlang. Antayin lang natin ng sandali ang guidelines,” ani Roque.

Base sa IATF Resolution 80, ang National Task Force against CO­VID-19 at ang Department of Transportation ang naatasan na magpapatupad at magmo-monitor ng pilot program.

Matatandaan na bago mag-lockdown dahil sa COVID-19, pinayagan ng gobyerno na mag-operate bilang motorcycle taxis ang Angkas, JoyRide at Move It habang isinasagawa ang pilot study bilang isang uri ng transportasyon ng publiko.

 

IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with